Friday, January 10, 2014

Masining na Pagpapakilala ng Aking Buhay





Tulad ng isang karaniwang tao, ako ay nabuhay ng may simple, masaya at puno ng pangarap. Nag simulang umikot ang aking mundo ng ako ay isinilang ng aking pinaka mamahal na ina bilang ikalawa sa aming magkapatid noong ika-lima ng Oktubre 1994 at kinilala sa panagalang Regina May B. Tumalip. Bilang bunsonganak lahat ng luho at pangangailangan ay naibibigay saakin ng aking ama at ina. Mahilig rin naman akong mag laro noong ako ay bata pa ngunit hindi ko ito lubosang magawa dahil istrikto ang aking ina. Ang aking pagka bata ay puno ng masasayang ala-ala na akin paring pilit na binabalik-balikan.

Sa aking pag pasoksa elementarya, ang aking kasiyahan ay nabalot ng kalungkutan marahil ay dahil ito sa mga pangungutya ng mga kamag-aral ko sa aking pangangatawan at ayos. Mataba, may salamin ang mata at pawang tahimik ako kaya't ako ang nag sisilbing katuwaan ng aking mga kaklase sa paaralan. Kasabay ng pangit na simula ay ang malungkot na pag-alis ng aking ama upang mangibang bayan at doon ay maghanap buhay. Ang pag pasok ko sa skwela na hindi man kasing saya tulad ng nakararami, ito naman ay nag bunga ng magagandang karanasan at pangunguna ko sa lahat ng amingmga asignatura. Hindi man ako noon ang nagkaroon  ng titulong Valedictorian ako naman ay nagagalak dahil kahit papaano ay pasok naman ako sa top 10 na klase sa aming paaralan. Ito ay nag patuloy parin sa pag tuntong ko ng Highschool. Sa pamamagitan ng mapag-suporta kong mga magulang ako ay nakuhang e sali sa isang Himagsikan ng Talino sa aming asignatura ng siyensya "Science Investigatory Project" na amin namang naipanalo ng aking mga ka-grupo sa Division at National na tunggalian na ginanap naman sa Unibersidad ng Pilipinas. Syempre bilang teenager hindi lamg lahat kaalaman ang aking natutunan sa paaralan, dito ko rin natutunang umibig at masaktan na hindi madadala ng simpleng ice cream at kendi na dating binibigay saakin ng aking ina pag ako ay umiiyak noon ako ay bata pa. Ang kilig at saya ng unang pag tibok ng aking puso ay pawang binagsakan ng langit at lupa sa bawat pag luha ko noon.   Dahil sa mga pangyayaring aking naranasan, natutunan ko na ang pag-ibig ay hindi lang puro saya at langit, ito ay nakakapag-hintay, sa pag dating ng tamang oras at panahon. Nag tapos ako ng aking Highschool ng may karangalan at puno ng karanasang hindi ko malimot-limot.

Sa kasalukuyan, ako ay nasa ikatlong baitang na ng kolehiyo at patuloy paring lumalaban sa anumang dagok ng buhay at pag-aaral. Marami mang tao ang hindi makaintindi saakin at sa aking pag-uugali, ako ay walang hangang nag papasalamat sa poong maykapal dahil ako ay biniyayaan niya ng mapag-mahal na mga kaibigan, pamilya at taong nag sisilbing isa sa aking mga inspirasyon sa aking pag-aaral. Mga taong nag-sisilbing sandigan at malalapitan sa anumang oras ng aking pangangailangan. Walang perpektong tao at walang perpektong buhay basta't tatangapin ang ating mga pagkaka-mali at matuto dahil dito, ang buhay ay wala nang igaganda at isasaya pa. Matutong magpa salamat at mag pahalaga.

5 comments:

  1. Hello Maam. Magandang umaga po. Pwede po bang manghiram ng liham nyo po? Ikicredit ko po sa inyo as owner po. Thankyou po

    ReplyDelete
  2. Maam ano po ang katangian nyo sa talambuhay

    ReplyDelete
  3. magandang umaga po maam maari ko po bang pagbasehan ang inyong tula?

    ReplyDelete